QUOTES:
PEOPLE KEEP TELLING ME THAT LIFE GOES ON..
BUT TO ME THAT SADDEST PART..
Dumating ang gabi na pinakahihintay nang lahat. Ang malaking selebrasyon na magaganap sa loob ng Lupain ng Hacienda Casivue. Nasa loob parin ako ng aking kwarto at nakatayo sa tapat ng bintana kung saan natatanaw ko ang maraming bisita na patuloy na dumarating, Ang iba ay mga naka kotse pero karamihan sa mga bisita ay mga tauhan sa loob nang Hacienda.
Parati naman kasama sa lahat nang okasyon ang mga taong nagtatrabaho sa loob at labas ng Hacienda. Dahil pamilya na ang turing sa kanila ni Daddy.
Sobrang liwanag nang paligid sa labas ng bahay Kaya nakikita ko mula sa aking bintana ang mga taong pumapasok sa loob ng Hacienda. Nakita ko rin ang mga ibang pinsan ko sa partido ni Daddy na nagsidatingan na.
Pero ang iba ay hinde makakapunta dahil biglaan ang okasyon. Hindi sila makakapunta dahil nasa Canada ang karamihan sa kanila. Tulad nila Grandma Ashly, At Grandpa Albert. Pero kanina pa dumating ang amain ni Mommy Kaya kahit papaano natuwa naman si Mommy.
Pati si Kuya Amir ay narinig ko na malapit na raw sa Hacienda. Kaya labis ako nanabik na makita s'ya. Ang magandang ngiti sa labi ko ay unti-unti nawala dahil nakita ko na pumasok ang kotse ni Xander sa loob ng Hacienda.
Paglabas n'ya sa loob ng sasakyan may kasama s'ya. Nakita ko na Magkasabay silang tatlo nila Tatang Nardo at Lenard' na sinalubong ni Daddy. Saglit lang din ay napansin ko na napatingala si Xander kung saan ako nakatayo. Sobrang lakas nang kaba sa dibdib ko kaya bigla ako umalis mula sa pagkakatayo ko sa bintana.
"Xander..."
Lumabas na ako sa kwarto para tumungo sa baba, Dahil kanina pa ako kinakatok ni Manang para labasin ang mga bisita na dumarating.
Paglabas ko sa Bahay maraming mga pinsan ko ang sumalubong sa akin. Pero ang isa sa kanila ay sinamahan ako sa labas ng bahay kung nasaan ang maraming bisita.
"Hi pinsan"
Si Avery na sobrang ganda sa simpleng gown na kanyang suot, Sa unang tingin kamukha n'ya si Tito Ahslem, pero pag tinitigan mo s'ya maigi makikita mo sa kanya ang mala diyosa na mukha ni Tita Sophia.
"Hi Avery kanina pa ba kayo?"
Nakangiti ko na tanong sa kanya.
"Kadarating lang namin' Wala paba si Kuya Amir? Grabe ang tagal rin n'ya na hindi umuwe ano? talagang sinugurado ni Tito Lambert na titino s'ya sa Canada"
"Oo nga eh' pero masaya ako kasi hindi na s'ya muling aalis dito sa Hacienda"
Naupo kami ni Avery sa upuan na merong nakapagitna na bilugang lamesa.
"Ang tanong tumino naman kaya si Kuya Amir??"
Natatawa na tanong ni Avery, Natawa narin ako sa kanyang sinabi dahil kilala n'ya ang pagiging playboy ng kapatid ko.
"Sana nga tumino na nga s'ya, siguro naman naging aral na sa kanya nang mga panahon na muntik na s'yang mapikot"
Natatawa na tugon ko naman kay Avery. Dahil Muntikan nang Ipakasal ni Daddy si Kuya Amir Isa sa Apo na nagtatrabaho sa Hacienda. Pero umamin rin ang babae na hindi si Kuya Amir ang ama ng kanyang dinadala.
"Oo nga pala nakita ko na si Bella, Grabe ang ganda n'ya kahawig n'ya si Tita Stella"
Natutuwa naman na sambit ni Avery. Tama s'ya Hawig nga ni Mommy si Bella. kami kasi ni Kuya Amir Hawig raw namin si Daddy.
Magsasalita pa sana ako nang biglang dumilim ang buong paligid. Tanging Isang ilaw lang ang nakabukas at sa malaking pintuan namin ito nakatutok. ibig sabihin Ipapakilala na si Bella na ang kapatid namin na maraming taon ng nawawala at ngayon ay muli na namin nakasama.
Unti-unti nang lumabas si Bella sa malaking pintuan kung saan tanging s'ya lang ang sinusundan nang liwanag ng ilaw. Sobrang ganda ng kapatid ko sa suot n'ya na gown.. Parang nakita ko ang kabataan ni Mommy.
Pagkatapos ipakilala si Bella, Si Daddy naman ang nasa pintuan at muling nagsalita. Napako ang atensyon ko kay Daddy at pinakinggan ang kanyang sasabihin.
"Salamat sa lahat na sinamahan kami ngayon isa sa espesyal na araw ng aming buhay. Hindi namin makakalimutan na sinamahan ninyo kami sa gabi na ito. Nagayon na nakilala na ninyo ang bunso ko na Anak na si Bella Casimiro. Ngayon naman ay nais kong sabihin sa inyo na kailangan ko nang ilipat ang pamamalakad ko sa Hacienda Casivue"
Napakunot-noo ako sa sinasabi ni Daddy. Tila nagpapaalam na s'ya para pamahalaan ang Hacienda na kanyang lubos na minahal.
"Alam ko ngayon na maasahan ko na s'ya pagdating sa pamamalakad dito. At nais ko na ibigay ninyo ang inyong buong suporta at Tiwala sa aking Anak na si Amir Casimiro"
Malakas na palak-pakan ang mga sumunod na nangyari.
Labis ako natuwa sa sinabi ni Daddy. Nakita ko rin ang sinag ng ilaw na may sinusundan ito. Nakita ko na may Isang matipuno at mataas pa kay Daddy ang tumabi sa kanya. Ang gwapo nang Kuya ko. Kung gwapo si Daddy Mas hamak na mas gwapo si Kuya Amir. Sigurado na maraming babae na Ang pinaiyak ng lalaki na ito.
Napataas ang kilay ko sa isipin na iyon. Pero bago pa magsalita si Kuya Amir tila may nagkakagulo sa gitna. Kaya biglang bumukas ang lahat ng ilaw para makita kung ano ang nangyayari. Napatayo ako para tignan ito. May Isang dalagita na tila may hinahabol. Nanlaki ang mata ko dahil kakaiba ang suot n'ya. At ang biik at ilang manok ay papunta kung nasaan sila Daddy at Kuya Amir.
Nagkagulo ang karamihan sa mga tao. Dahil ang ibang manok ay tila nagliparan na hindi alam kung saan pupunta. Lalo nagkagulo dahil nagsigawan na ang ibang kababaihan na may sinasabi sa buhay na kakilala ni Daddy at Mommy.
Kaya muling tumakbo ang dalagita para habulin ang ilang hayop na nagtakbuhan.
Pero mas nagulat ako sa sumunod na nangyari dahil ang biik na Baboy ay papunta sa direksyon ni Daddy at Kuya Amir na nanlalaki ang mata ng huli. Kaya ang kakaibang Dalagita ay tumalon para agapan ang biik. pero Tila mas matalino ang biik dahil lumihis ito bago makalapit kay Kuya Amir. Kaya ang dalagita na humahabol sa biik ay tumama ang katawan kay Kuya Amir Kaya sabay silang natumba,
Hindi ko na nakita ang sumunod na pangyayari dahil nagulat naman ako at nanlaki ang mata ko dahil ang Isang manok ay tila papunta sa direksyon ko na lumipad pa papunta sa akin.
"Amira.."
Narinig ko na boses na tumawag sa akin. Kasabay rin nun ang paghila n'ya sa braso ko. Kaya nakulong ako sa matipuno na bisig n'ya..