QUOTES: ANG MUNDO AY BILOG MINSAN NASA ITAAS KA AT MINSAN NASA IBABA KANA.. PARANG PAG-IBIG LANG DIN.. DATI S'YA ANG MAHAL NA MAHAL KA, PERO NASAKTAN MO S'YA.. NAGAYON IKAW NAMAN ANG LABIS NA MAGMAMAHAL AT IKAW NAMAN ANG MASASAKTAN... Isang linggo pa ang lumipas, at Isang linggo rin ako naghihintay nang pagkakataon kung paano ko makikita at makakausap si Xander. Sinubukan ko bumalik sa hospital pagkalipas ng Isang araw mula ng maospital s'ya, Pero nagkakataon na parati si Tatang Nardo ang nakikita ko sa hospital. Tulad ng inaasahan ko pinagtatabuyan lang n'ya ako. Nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Kasabay ang boses ni Daddy. "Amira' pwede ba ako pumasok?" "Yes Daddy" Tugon ko naman. Pagpasok ni Daddy umayos ako ng pagkakaupo sa kama. At naupo rin s'ya sa gilid ng