QUOTES: I WISH I WERE A LITTLE GIRL AGAIN BECAUSE SKINNED KNEES ARE EASIER TO FIX THAN A BROKEN HEART.. Pagdating sa Hospital kaagad ko naman nakita si Lenard, Kaya kaagad rin n'ya kami sinalubong ni Kuya Amir. "Lenard Ano ba n-nangyari? B-bakit nahulog s'ya sa bangin? Napaka imposible naman d-diba?" Umiiyak ko nang tanong kay Lenard. "Amira kanina pagka-alis mo sa bahay namin. Kaagad rin na umalis ng bahay ang Anak ko. na masamang-masama ang loob sa'yo! Napalingon ako kay Tatang Nardo na nasa aking likuran. "Habang sakay s'ya ng kabayo n'ya nakita ko kung paano n'ya ito pinatakbo ng mabilis na tila parang walang nakikita. Kaya kaagad ko s'ya pinasundan sa mga tauhan ko para habulin! Pero sadyang mabilis ang pagpapatakbo ni Alexander sa kabayo n'ya kaya hindi na s'ya nagawang habul