Chapter 28

2115 Words

~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) (SID) Halos hindi na ako makabangon sa kama nang magising ako. Masakit ang buong katawan ko dahil sa ginawa sa akin ni Ayen kahapon. Ganoon pa man, pinilit ko pa ring bumangon at magtungo sa kusina. Sinubukan kong magluto pero muntikan nang lumiyab ang buong kusina dahil nasunog ko ang niluluto ko. Mabuti na lang at natulungan agad ako ng lalaking iyon. "Psh, I told you not to try. Hay... sinayang mo lang ang pagkain." Bumusangot ako. "Gusto ko lang namang subukan eh!" "Alam mo, lahat na lang ng ginagawa mo, palpak. Kapag nakita 'to ni Ms. Dela Fuente baka mag-apoy din 'yun sa galit." "Eh 'di ayusin na lang natin," sabi ko. "Hindi mo naman kailangang magpakitang gilas sa kanya, hindi ka rin naman magugustuhan no'n," Lalo akong napabusangot. "Bakit ikaw?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD