Chapter 27

1601 Words

~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) (SID) Namangha ako sa ganda ng bahay sa ibabaw ng bundok nang makababa kami ng helicopter. Sinabihan ulit ako ni Tina na mag-behave doon. Pinangako ko naman sa kanya na magiging mabait ako. Pumasok na si Ayen sa silid niya habang nag-iikot ikot naman ako sa loob ng bahay. Nakakamangha talaga iyon sa ganda. Maliwanag sa loob at malaki. Halos gawa sa salamin lahat ng dingding. Lumabas pa rin ako ng bahay at tumingin sa paligid. Berdeng berde ang d**o na inaapakan ko. Magaganda iyon at pantay-pantay ang pagkakagupit. Pwedeng-pwedeng higaan at upuan. Marami ding malalaking puno sa paligid. May nga harang na bakal ang mga sulok na siyang nilapitan ko at sinilip ang ibaba. "Wow..." namamagang bigkas ko. Napaka-ganda ng view ng mga malalaking puno sa ibaba. Mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD