~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) (SID) Mabilis akong bumaba ng sasakyan nang huminto iyon pero mabilis ring bumaba ang lalaking iyon. Naunahan niya pa akong pagbuskan ng pintuan ng sasakyan si Ayen. Psh. Nilahad niya ang kamay rito para alalayan itong bumaba pero hindi iyon pinansin ni Ayen. Mag-isa itong bumaba ng sasakyan na parati naman niyang ginagawa. Napangisi ako sa lalaking iyon at nilabas ang dila ko sa kanya para asarin siya. Tumingin lang siya sa akin pero hindi niya ako binigyan ng kahit anong emosyon. "I don't need the two of you to follow," sabi ni Ayen nang tuluyang makababa ng sasakyan pagkatpos ay dire-diretso nang humakbang papunta sa loob ng salon na napupuntahan na rin naming noon. Nakatayo lang kami ng lalaking iyon sa gilid ng sasakyan. Kanina ko pa siya simpleng ti

