~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) Maaga akong nagising. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakadukdok sa gilid ng higaan ni Ayen. Agad akong napangiti nang makita ko ito. Masarap palang gumising sa umaga na ito agad ang makikita ko. Sandali kong pinagmasdan ang magandang mukha niya. Mukhang mahimbing pa rin ang tulog niya. Mabuti na rin iyon at nakapag-pahinga na ulit siya pagkatapos ng lahat nang nangyari. Maingat kong hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. Sana ay maging maayos na rin ang lahat. Gusto kong malagay na rin sa tahimik ang buhay niya at ang buhay ko. Ayoko na rin na parati na lang natatakot ay parati na lang may pinagtaguan. Kahit papaano ay panatag ako dahil alam ko na hindi ako pababayaan ni Tina at ni Ms. Lexine. Sa oras na subukan

