~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) Kanina pa kami umiikot ni Mommy at Daddy sa mall habang pinamimili nila ako ng marmaing damit at sapatos. Tinanong ko sila kung nasaan sina Ms. Lexine at si Tina, ang sabi nila sa akin ay nagpa-spa raw ang mga ito at nagpa-massage. Hindi ko maiwasang mapabusangot dahil kahit saang lakad nilang dalawa ay parati naman talaga nila akong sinasama kahit pa nga nakatapis lang sila ng tuwalya sa sauna na madalas naming puntahan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na... mayroon silang ibang lakad bukod sa spa lalo pa at hindi sinasagot ni Fior ang tawag ko kanina. May mission kaya sila? At tsaka... kasama kaya nila ang misis ko? "Oh, Siv? Bakit naka-busangot ka yata? May problema ba?" tanong sa akin ni Mommy. "B-Bigla po kasing... sumakit ang ulo ko." Pagsisinung

