~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) Nagpunta ako sa puntod ng mommy at daddy ko. Hindi ko pa rin maiwang umiyak. Araw-araw nami-miss ko siya. Nami-miss ko sila ni daddy. Pero kailangan kong tanggapin na hindi ko na sila makakakasama pa ulit. Mananatili na lang silang dalawa sa puso at sa alaala ko. Ganoon pa man, nagkuwento pa rin ako ng magagandang bagay sa kanilang dalawa. Kinwento ko ang pamilyang tumanggap sa akin at ang dragon na nagbubuga ng apoy. Alam ko, kung nabubuhay lang sila, magugustuhan din nila si Ayen Dela Fuente hindi dahil maganda siya o mayaman siya kung hindi dahil totoong tao siya. Pagkatapos ko sa puntod, pupuntahan ko sana si Ayen sa harap ng puntod ng mommy niya kaya lang naisip ko na baka mas gusto niyang mag-isa. Baka maraming bagay pa siyang kailangang sabihin sa mom

