~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) "Misis?" tawag ko rito pagkatapos kong ilabas ang cellphone ko mula sa bulsa ko. "Ang ganda ng view dito. Picturan kita." "Stop it." Anito nang itutok ko ang camera sa kanya. Napangiti ako nang malapad at tinuloy ko pa rin ang pagkuha ng litrato sa kanya. Nakuhanan ko pa ang masamang tingin niya sa akin. Mahina akong tumawa at tumabi ako sa kanya. Tinutok ko ang camera sa aming dalawa at ngumiti ako nang malapad. "I told you to stop it." Malamig na sambit nito. "Let's go home. My foot already hurts." "Huh?" Wala sa loob na tiningnan ko ang paanan niya. Sa taas ng takong niya, siguro ay nahihirapan siyang maglakad sa buhangin. Yumukod ako para tulungan siyang tanggalin ang suot niyang sapatos. Dinala ko na lang iyon sa kabilang kamay ko habang naglalakad

