~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) Agad akong napabalikwas ng bangon pagkatapos kong hagurin ng tingin ang buong silid. Hindi iyon pamilyar sa akin. Napahawak din agad ako sa ulo ko na kumikirot. "Arrrgh," daing ko. Hindi ko na maalala kung ano ang mga nangyari kagabi. Ang alam ko lang... inalok ako ng inumin ng mga magaganda at sexy na babae sa maingay na lugar na pinuntahan namin kagabi. Noong marami na akong naiinom, nagsimula nang umikot ang buong paligid ko. Mabilis kong kinapa ang katawan ko nang mapansin kong iba na ang suot ko. Nakasuot na lang ako ng bathrobe. Agad akong bumaba ng kama. Tiningnan ko kung may tao sa buong paligid bago ako lumabas ng silid. Nagmamdali kong hinanap ang pinto palabas pero napitigil ako nang mapansin ko ang babaeng nakahiga sa couch. "A-Ayen?" mahinan

