~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) "Hindi mo talaga ako naalala, huh?" tanong sa akin ng lalaking 'yon. "Bakit ba ang kulit mo, huh? Sinabi nang hindi." "Fior, let's talk," sabi sa kanya ni Tina. Pinanuod ko lang silang dalawa na lumayo. Mukhang may pinag-uusapan sila at pagbalik ng lalaki ay hindi na niya ako kinulit pa. Sumunod na ako kay Tina papasok sa loob ng salon. Excited na akong pumunta roon at makita ulit ang lugar na iyon. Ngumiti sa akin si Tina habang pababa kami sa ilalim ng salon. "I know you like technology but be careful, okay?" Tumango-tango ako. "Okay." Tiningnan ko lang ang mga gamit sa loob. Iniwasan kong hawakan ang mga iyon. Kahit abala ang ilan sa kanila ay sinasagot pa rin nila ang ilang tanong ko. Wala sa loob na tiningnan ko ang direksyon ni Tina. Humakbang siy

