~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) (SID) Mabuti na lang at pinagamit kami ng telepono ng babaeng tindera sa kaunting ngiti at pakikiusap ko. "Hindi sumasagot si Tina?" tanong ko nang magsimula na naman siyang pumindot sa numero. Hindi niya ako sinagot na tila mainit na naman ang ulo at tila hindi ako narinig. Hays. "Hello" Agad akong nabuhayan nang marinig kong tila sumagot na ang tinatawagan niya sa kabilang linya. "This is Ayen, I need you to do something for me." Tumitingin-tingin ako sa paligid habang kausap ni Ayen ang tao sa kabilang linya. Agad akong napahawak sa braso niya nang makita ko ang isang pamilyar na babae na tila nagtatanong sa isang matandang babae sa bangketa. Nang tumignin pa ako sa paligid, nakita ko ang lalaking bumagga sa akin noong nakaraan. Namilog agad ang mga

