~(AYEN DELA FUENTE POV) Paakyat pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang malakas na pag-iyak ni Sia. That brat. Pagkatapos ng nangyari sa hotel ko, kinailangan ko pa siyang puntahan sa mansion. He was really such a hassle to me. Nakaluhod siya sa ibabaw ng kama niya, nakatingala ang ulo habang umiiyak. Tunog pa lang ng hagulgol niya ay alam kong wala pa siyang tigil kai-iyak. Humakbang ako palapit sa kanya. "What the hell is wrong with you?" I asked quite irritated. "Ate!" she exclaimed at tumayo sa kama. Mabilis siyang yumakap sa akin. Patuloy siya sa pagsinok. She called me Ate, kamukha ko ba si Gwen? Yucks. Lalo pang lumakas ang paghagulgol niya. "Shut up, you little brat." Tila kinakapos na siya ng hininga sa pag-iyak. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya. Mukhang ma