~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) (SID) Papunta pa lang ako sa isang mesa para doon umupo pero nabangga ako sa isang babaeng may hawak na tray. Mabuti na lang at nahawakan ko agad ang juice doon. "S-Sorry..." agad paumanhin ko. Ngumisi ito sa akin. "It's okay, handsome." Agad namula ang pisngi ko sa sinabi nito. Alam ko ang ibig sabihin no'n. Gwapo ako. Napangiti ako rito. "Dito ka nagtatrabaho? Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Darling. My name is Darling. How about you?" "Wow, ang ganda ng pangalan mo... parang ikaw," nakangiting sabi ko. "Sid, Sid ang pangalan ko." Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Excuse me for a while, handsome. I just have to serve this drink." Tumango-tango na lang ako at pinanuod itong lumayo. Naupo ako sa silya habang nakatingin pa rin sa kanya

