Dahil sa ilang taon ni King Saul sa trono ay ganoon din sa pakikibaka. Sa teamwork nilang magkapatid ay sa loob ng tatlong taon ay naging triple na ang territory ng Edessa. At kagaya nang ipinangako nila sa mahal nilang ama ay nagtatag sila ng isa pang kaharian. Ito ang Kingdom Of The North at bilang hari at dahil sa iniwang habilin nang namayapang hari o ang ama nila ay iniluklok ni King Saul si Prince Simon bilang hari ng Kingdom Of The North. Dahil mas nag-expand ang teritoryo nila sa hilaga. Mayroon din sa Timog ngunit ilan lamang. Ganoon din ang Kanluran at Silangan. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay umaayon sa kanila ang pagkakataon. Dahil sa kanilang pamamayagpag ay mas sumidhi ang galit ng mga kapatid nila o ang step-brothers ni King Saul. "Sinolo na nga nila ang Edessa ay