Nikay's POV "Ang tagal naman ni boyfie. Naku, sinabi ko na sa kaniyang huwag niya akong paaasahin! Lagot talaga siya sa akin! Kakainin ko siya ng buhay!" Nagmamaktol na ako dito sa labas ng gate. Mga thirty minutes na kasi akong naghihintay dito. Pinauna ko na nga 'yong driver namin eh. "Eh baka naman na-late lang. Antay-antay na lang natin o kaya tawagan mo na," sabi naman ni Katrine na naririto din para samahan ako. Sabi ko nga mauna na siya eh. Nakakahiya naman naabala ko pa siya. "Off nga 'yong phone niya eh. Nakakainis naman talaga oh. Sabi niya tatawag siya tapos hanggang ngayon wala." Pero sa totoo lang ay nag-aalala ako kung bakit hindi na naman siya ma-contact at di rin tumatawag. Di ko maiwasang alalahanin ang tungkol sa kundisyon niya. Baka may nangyari na naman sa kaniya. Hu