CHAPTER 65 Treat

1167 Words

Nagtagal din kami ng ilang oras sa Luneta park. Pinanood namin ang ganda ng sunset habang nakayakap siya sa akin. Pagkatapos ay nag-aya na rin siyang umuwi. Ihahatid na raw niya ako. Parang ang bilis naman 'ata? Ngayon nga lang ulit kami nagkasama eh! "Boyfie, mamaya na tayo umuwi o kaya doon ka na muna sa bahay. Doon ka na lang matulog. Nami-miss pa kita eh," nakasimangot kong sabi sa kaniya pero hindi siya umimik at napapansin ko ang pagsulyap-sulyap niya sa kaniyang suot na relo. May pupuntahan ba siyang iba? "C'mon. We need to go home." Nagmadali na siyang tumayo at hinila na ako at kahit wala sa loob ay nagpahila na rin ako. "Kuya Dom, 'di ka pa ba uuwi?!" sigaw ko sa kaniya na nasa di kalayuan. Lumingon naman siya at nag-thumbs up lang. Pansin kong may beer in can siyang hawak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD