"May kasama ka pa bang iba dito?" tanong ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng kanyang unit. Yes! Narito kami sa condo niya! Hindi siya sumagot. Ibinaba niya lang ang mga gamit namin sa sofa. Hmp! Ano pa nga bang aasahan mo? Okay lang, sanay naman na akong ganyan siya. Naglakad ako patungo sa kanyang hindi kalakihang living room. Umikot ang aking paningin sa buong paligid. Halos kasinglaki din ito ng condo ng mga kuya ko. Hmmn, gusto ko rin ng ganito. Kapag nag-eighteen na ako next year ay ire-request ko kila Mommy at Daddy na bigyan din nila ako ng condo. Marami naman kaming hotel eh. Kami nga ang nagmamay-ari ng pinakamaraming branch ng hotel dito sa pilipinas. Inikot ko ang buong unit niya. May two extra room pa siya. Pumasok din ako sa loob ng room niya. Nakita