Buong araw akong nakasimangot hanggang matapos ang klase. Hindi ko mapigilang magdabog at ilang ulit ibagsak sa mesa ang aking mga books, ballpen at maging ang aking mga kamay. Nakakainis! "Hoy babaita, p'wede ng sabitan ng sampong kaldero 'yang nguso mo. Ano bang problema mo? Pagkatapos niyong lumabas kanina sa canteen eh hindi na kayo bumalik. Hindi ba kayo kumain?" sita sa akin ni Colleen. "Baka sila na lang ang nagkainan. Pfft," natatawang sabi ni Katrine at kaagad ko naman siyang nginiwian. "Kung nakakain nga lang eh, bakit hindi?" sagot ko naman. "Waaaahh! Huwag mong kakainin! Dilaan mo lang-aray!" sigaw ni Katrine at kaagad naman siyang binatukan ni Colleen. Napalakas ang batok niya kaya naman kamuntik ng masubsob sa sahig si Katrine pero isang matanggap na lalaki ang kaagad na