"Fvck! My head!" Nagising ako nang may biglang dumagang mabigat na bagay sa aking ibabaw. Alam kong si boyfie 'yan pero hindi ko pinansin at nagpatuloy ako sa aking pagtulog. "Baby," bulong niya sa aking leeg dahil isiniksik niya doon ang kaniyang mukha. Ang bigat niya! Mukhang hindi na ako makakatulog nito! Ngunit hindi ko pa rin siya pinansin. Nabubugnot pa rin ako ngayon kaya nagtulog-tulugan pa rin ako. Pero tuluyan na akong nagising nang may maramdaman akong bagay sa ibaba na nakapatong sa aking kaselanan. Oh my God! Wala pa nga pala siyang damit hanggang ngayon! Naka-panty naman ako kaya hinayaan ko na. Pinili ko pa ring matulog-tulugan at hindi siya pinansin. "Baby, my head," daing niya sa akin. Sige, alak pa more. Hindi ko pa rin siya pinansin. Bahala ka d'yan! Naglumikot a