"Boyfie!!!" Bigla siyang napamulat at napabangon dahil siguro sa lakas ng aking boses. Kita ko ang paghahabol niya ng hininga. Agad ko namang dinampot ang aking tumbler na puno palagi ng tubig na nasa table lang sa gilid ng aking kama at mabilis ini-abot sa kaniya. Kinuha niya naman agad ito at ininom. Halos maubos niya ang laman ng tumbler. "What happened? Huh?" tanong niya pagkatapos niyang uminom. Siya na ang nagbalik ng tumbler sa table at pagkatapos ay humarap sa akin. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit nang makita niyang umiiyak na ako. "Bakit ang tagal mo na naman gumising?!" humahagulgol kong sigaw sa kanya. Pinagsusuntok ko siya sa dibdib! Hindi ko na alam kung gaano katagal ko siyang ginigising kanina. Pinagyuyogyog ko na siya, pinagsusuntok ko na sa mga braso niya pero