Naghintay ako ng buong maghapon ngunit walang boyfie ang tumawag o nag-text man lang sa akin. Sinubukan ko ng i-text at tawagan siya ng maraming beses ngunit feeling ko ay nagmumukha ng akong tanga. Out of coverage ang kaniyang phone! "Bakit mukhang hindi ka matae d'yan? Problem?" sita sa akin ni kuya Rick. Narito kami sa sala at nanonood ng Avatar movie pero nakasimangot naman ako at wala sa utak ko ang aming pinapanood. Gusto ko kasi talagang mag-mall kasama si boyfie! Hindi rin naman ako makakaalis ng mag-isa dahil hindi ako papayagan! "Si boyfie kasi ang tagal!" naiinis kong sagot kasabay ng paghilata ko sa mahabang sofa. Nakabihis na nga ako eh. Nagusot-gusot na nga ang fitted dress ko dahil sa hindi na ako mapakali sa paghiga-higa dito. "Baby, ayusin mo ang paghiga mo d'yan. Na