After ng pangyayaring iyon sa school ay mas lalong dumoble ang aking mga pag-aalala para kay boyfie sa mga sumunod pa na araw, linggo at buwan. Lumalala ang kanyang kundisyon. Bihira na siyang pumasok sa school. O kung papasok man ay lagi siyang late. Or ilang subject ang hindi niya napapasukan sa umaga bago siya makarating. Ilang quizes at exams na ang kaniyang naibabagsak. Mas lalo siyang naging tahimik at tulala sa sulok. Minsan pakiramdam ko ay natutulog siya ngunit dilat naman ang kaniyang mga mata habang nakayuko lang mula sa kanyang kinauupuan at hindi gumagalaw. Minsan naman ay may mga ilang bagay na rin siyang nakakalimutang gawin. Gaya ng pananamit, minsan ay baligtad. Sa pagkain, tinidor ang kaniya minsang nagagamit kahit may kutsara naman. Minsan ay naiiwan na niya ang kani