SIX YEARS AGO Liam's POV (18years old) Malalakas na putok ang umalingawngaw sa buong paligid na siyang nagmumula sa hawak kong de kalidad na baril. "Good job!" sigaw ng trainor ko habang pumapalakpak. Narito pa rin kami sa tabing ilog na naging lugar ko na para sa pag-eensayo. Anim na mansanas na nakapatong sa labi ng bote na ilang metro ang layo mula sa aking kinaroroonan ang kailangan kong patalsikin o pasabugin ng hindi gumagalaw ang bote mula sa kanyang kinatatayuan. Tumango-tango naman si Lolo na ngayon ay nandirito. Ito na rin ang huling araw ko dito sa lugar na ito dahil isasama na niya ako sa kung saan mang lupalop ng mundo. "Get ready," matapang na saad niya sa akin at saka tumalikod at naglakad. Isiniksik ko naman ang baril ko sa aking baywang at sumunod na rin sa kanila.