SIX YEARS AGO Liam's POV "Ok na 'to. Oh see? Maayos na itong unit mo," sabi ni Maezie habang ipinapakita ang loob ng condo unit na ibinigay sa akin ni lolo. Isa siya sa mga Agent ko ini-assign ni Lolo na siyang makakatulong ko sa lahat ng mga kailangan ko. Nilinis niya at inayos ang lahat-lahat dito sa loob dahil wala naman akong alam sa mga ganito. Kumpleto nga sa mga gamit pero hindi ko naman alam gamitin ang mga 'yan. Hindi ako umimik at tiningnan ko lang ang buong paligid. Sa sobrang linis at ayos ay ako na ang nahihiyang galawin o gamitin ang unit na ito. Pakiramdam ko ay hindi ito nababagay sa akin na lumaki sa putik at mabibigat na gawain sa bukid. "So, let's go? We're gonna go to mall. Kailangan nating mag-shopping ng mga personal things mo and groceries for your stocks." Tuma