Lumipas pa ang ilang linggo at hindi na talaga ako mapakali. Naisipan ko ng tumakas ng mansion at magtungo sa condo ni boyfie. Alam ko namang hindi na siya dito umuuwi pero nagbakasakali pa rin ako. Halos mag-iisang oras na ako dito sa labas ng kaniyang unit at halos gibain ko na itong pinto mula sa kado-doorbell ko at kakakatok ng malakas ngunit wala talagang nagbubukas at kahit anong kaluskos ay wala man lang akong marinig mula sa loob! Mangiyak-ngiyak na ako dito at hindi ko na talaga alam kung saan ko pa siya hahanapin! "Nikay?" Huh? Bigla akong napalingon sa aking likuran nang makarinig ako ng pamilyar na boses. At nagulat ako nang makita ko si Angel na walang emosyong nakatitig sa akin. Nakatayo habang nakasandal sa pader. "Angel, anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong