"I want you to meet her. The woman who is now beside me......is my girlfriend." Ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya? Ikinukwento niya ako lagi sa kanila? Sa akin pa rin siya? "B-boyfie." Wala sa sariling napayakap ako sa kanya. Walang katumbasan na kaligayahan ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Niyakap niya rin naman ako ng mas mahigpit at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. Kakaiba ang pakiramdam kapag nakulong ka sa mainit na mga bisig ng taong mahal na mahal mo. "Hi, beautiful. I'm William Turner, you are?" Napakalas ako mula sa pagkakayakap kay boyfie at hinarap ang lalaking nagsalita mula sa aking likuran. Nakangiti ang napakaputi at tisoy na lalaki sa aking harapan. Kinuha niya ang aking kanang kamay at tangkang dadalhin sa kanyang labi nang bigla itong ag