Tila tumigil ang aking mundo nang muli kong makaharap ang lalaking pinakamamahal ko sa buong buhay ko. "B-boyfie." Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Hindi ako makapaniwala. Paano nangyaring buhay siya? Ang akala ko ay patay na siya dahil hanggang ngayon ay ipinagluluksa ko pa rin siya! Pati ang puso ko ay namatay at isinama niya! Napansin kong natigilan din siya at nababanaag ko mula sa loob ng suot niyang sunglasses ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Kusa niya itong tinanggal kaya mas lalo akong naluha nang magtagpo na ang aming mga paningin. "B-buhay ka, b-boyfie." Naiangat ko ang aking nangangatal na mga kamay at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig lang sa akin at wala akong mabasang anumang emosyon sa kanyang mga mata na akin