"Beshy! Woi, gising!" Huh?! Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga sa...."Kama? Paano ako napunta rito?" "Sabi mo iihi ka lang? Eh bakit natutulog ka na dito sa room mo?" tanong ni Colleen habang naka-cross arm sa aking harapan at tinataasan aki ng kilay. Hindi ko siya magawang pansinin dahil naguguluhan ako at nag-iisip kung paano ako napunta dito sa sarili kong room dito sa hotel. Ang natatandaan ko ay nakita ko si Howard sa restroom at may itinakip siya sa aking panyo, nahilo ako sa amoy. Ang sumunod ay hindi ko na alam ang nangyari. "Ahm, k-kanina ka pa ba dito sa room ko? I-ilang oras na akong nakatulog? M-may nakita ka bang tao sa labas ng room ko? Nag-c.r ka rin ba? W-wala ka bang napansin?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang hindi mag-panic! "Ano ka