Nikay's POV Malakas akong napasinghap sa hangin kasabay nang paninigas ng buo kong katawan. Humigop ako ng napakaraming hangin bago ko nagawang makasigaw, "Boyffiiiieeee!!!" Nangangatal ang buo kong katawan sa takot. Sobrang sikip! Hindi ako makagalaw! "Baby, ssshhh! Hey, wake up, baby. You're safe. You're now safe. Sssshhh.." Naramdaman ko ang maiinit na brasong kumulong sa akin katawan kasabay nang pagdampi ng masusuyong halik sa aking noo. Napansin ko ang liwanag sa paligid. Puro puti at lumilipad ang kurtina na tinatangay ng hangin mula sa labas ng bintana. Napabaling at napatitig ako sa mukha ng pamilyar na lalaking nakayakap sa akin ngayon. Puno ng pag-aalala ang kanyang mga matang nangingitim ang bawat gilid at tila ba hindi nakatulog ng mahabang gabi. Patuloy sa pangan