WARNING SPG! "Hubby, nangangawit na mga binti ko," pag-angal ko na sa napakagwapo kong asawa na patuloy akong isinasayaw sa isang malamyos na musika dito sa rooftop ng kanilang bagong mansion. Lumapag kami dito mula sa isang white helicopter na pag-aari niya. Sinadya niya raw bumili niyon para sa aming kasal. At pagbaba naman namin dito sa rooftop ay sinalubong kami ng napakagandang setting. Isang romantic dinner, candles, roses, decorations na sobrang nagpa-in love sa akin. Nagkalat ang mga rose petals and balloons dito sa sahig at sa tuwing masisipa ng aming mga paa ay nagtatalbugan ang mga ito paitaas. "Then, i'll just carry you." Hindi pa ako nakakasagot nang kaagad na niya akong binuhat. "Boyfie!" napasigaw ako nang muntik siyang gumewang. Humalakhak naman siya ng malakas ka