Nikay's POV Days passed at bumubuti na rin ang kalagayan ng dalawa kong kuya. Ngayon nga ay pareho na silang lalabas dahil pareho din nilang ayaw tumambay dito sa Hospital ng matagal. Si Cail ay lalabas na rin dahil ayaw naman ni kuya Rick na maiwan siya dito. Ang gusto pa nga niya ay sa mansion na lang din ito magpagaling ngunit mahigpit na tumanggi si Cail. Dumating kasi ang mama at kuya niya na siyang mag-aalaga sa kaniya. Narinig ko pa nga sa usapan nila na iuuwi na lang daw muna ng probinsiya si Cail upang doon na lang ulit mag-aral pero tumangging maigi si kuya Rick. Mukhang hindi rin naman sumang-ayon si Cail sa desisyon ng mama niya kaya wala na rin silang nagawa pa. So, ngayon ay doon siya magpapagaling sa apartment daw ng ate nila. Si kuya Rick naman ay atat na talaga. Gusto