Nikay's POV "Ahm...hi!" bati ko sa kaniya dahil tahimik lang siyang nakaupo at nakatungo. Napatingala siya sa akin kaya naman agad ko ring inalis ang aking paningin sa kaniyang braso. Tumayo siya at inayos niya ang pagkakasuot ng kaniyang balabal kaya natakpan ang braso niya. "H-hi. Ikaw pala." Bahagya siyang yumuko sa aking harapan. "Bakit hindi ka pumasok sa loob? Gising na si kuya." Kumislap ang kanyang malulungkot na mga mata. "Ahm..m-mamaya na lang siguro. Salamat." Muli siyang yumuko. "Oh sige. Iwan na muna kita dito ha." Kaagad na akong nagtungo sa katabing silid. Muli akong lumingon sa kaniya bago ko buksan ang pinto. Nakita ko siyang umupo ulit. "Ah...p'wede bang magtanong?" tanong ko sa kanya. Nakahawak na ako sa seradura ng pinto. Hindi talaga ako mapakali eh. Lumingon n