"Kuya Ace, bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ko kay kuya Dominic one of our cousin. Dominic Ace Delavega is his name. Magkakapatid ang aming mga ama. Katabi ko siya dito sa kaliwa at si boyfie naman ang nasa aking kanan at nakatutok ang paningin sa malaking t.v screen namin at pinanonood ang mga lyrics na lumalabas doon dahil kumakanta si Avriah na fiance daw ni kuya Yanlee. "Why?" matamlay niyang tanong. Walang buhay ang kaniyang mga mata. "Dati kasi sobrang pogi mo eh." "Oh, pangit na ba ko ngayon?" "Malapit na. Konti na lang." "Tss." "Mukha kang naka-shabu. Bakit ganyan eyes mo? Nakipag-away ka ba? Laki kasi black eye mo eh." Ni-touch ko pa ang mga gilid ng kaniyang mga mata. Nangingitim at nakalubog ang mga ito. "Ganyan talaga, Niks kapag manloloko. Hahaha!" sabat ni kuya C