Pagbaba ko ay inabutan kong nagkakagulo ang aking mga pinsan kasama ang kanilang buong barkada sa living room. Habang si kuya Rick ay nakahiga sa isang mahabang sofa at nakikitawa sa kaniyang mga barkada na kaniya-kaniyang nagtutuksuhan. "Hellow!" "Huh!" nagulat naman ako at napalingon sa aking likuran nang isang tinig babae ang bigla na lang nagsalita doon. Bumungad sa akin ang isang babaeng may bitbit na isang mangkok na naglalaman ng fried banana. "Gusto mo nito? Ako ang nagluto nito," magiliw niyang sabi habang malawak ang kanyang pagkakangiti. Hindi siya pamilyar sa akin. Sino naman kaya ito? Pinagmasdan ko ang buo niyang hitsura. Hindi ko makita ang kanyang mga paa dahil sa suot niyang flowerful red dress. Pero maganda siya at maputi. Mahaba ang kaniyang alon-along buhok. Tat