"Parating na si Mr. CEO!" Papasok pa lang si Damon sa kaniyang office ay rinig na rinig niya na ang ingay ng kaniyang mga employee. Mas lalong uminit ang ulo niya ng madatnan niya ang mga ito na nagkakagulo. Ilang araw lang siyang hindi nakadalaw sa office ay ganito naman ang madadatnan niya. "Good morning, Mr. CEO!" isa-isa naman napayuko ang mga ito para batiin siya. Akala yata ng mga ito ay hindi niya nakita ang pagkakagulo ng mga ito. Natigilan siya at hinarap ang mga ito. "Sa susunod tigilan niyo na ang pagkakagulo dito sa loob ng building." maagang sermon niya sa mga ito. Sa totoo lang mainit na ang ulo niya na umalis ng bahay at nadagdagan pa pagdating dito. "You guys are like uneducated people." dagdag pa niya. "Sorry po." sabay-sabay na hingi ng tawad ng mga ito. "Gina, I w