"Damon! Uy! Uy! Damon!" kaagad akong lumapit kay Damon. Hindi ko napigilan at napayakap ako sa kaniya. Natakot ako bigla sa bagay na 'yon. Ayaw ng tumigil. Para bang bulati na nilagyan ng asin. "Ayaw mag-stop!" napasiksik ako sa kili-kili ni Damon ng wala sa oras. Kanina lang kinabahan ako ng makita 'yon ni Damon ngunit ngayon doon na ako natakot sa bagay na gumagalaw. Nakalimutan kong hindi ko siya totoong asawa at isa pa, ang bagay na itinuturo ko ay padala nila Starlet sakin. Paano kung malaman niya? Wala sa sariling napakamot ako ng ulo. Naamoy ko ang alak sa hininga niya ng yumuko ito para tingnan ang aking mukha. Napatingala naman ako sa kaniya. Namumungay ang kaniyang mga mata. Amoy na amoy ko na ngayon ang alak sa hininga niya habang tumatama ito sa aking mukha. "Ano ba ang