Habang tinatahak ko ngayon ang dining area ay halos sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Ngayon ang unang pagkakataon na masilayan ko ang mommy ni Damon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung katulad din ba ito sa mommy ni Starlet na mabait. Sana lang ay wala siyang mapapansin sa mga kilos ko. Sana lang ay mapanindigan ko ito bilang si Starlet. "Oh! finally, your wife is here!" Narinig kong sabi ng hindi naman gaanong katandaan na babae na kaharap ngayon ni Damon sa dining table. Siya na siguro ang mommy ni Damon. Halata naman dahil sa magarbong suot nito. Sa mga alahas na palamuti sa kaniyang katawan at kahit pa may edad na ito ay hindi maitatangging kamukha ito ni Damon. Maganda pa rin ito kahit na medyo halata na ang pangungulubot ng leeg nito. Sa kaniya pala nagmana s