Third POV "s**t!" bigla na lang nawalan ng malay si Star pagkatapos niyang humarap dito. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ngunit sa isip niya ay baka dahil napagod ito o dahil sa kalasingan. Ngayon lamang ito nalasing. Kahit naman uminom ito ng marami ay hindi ito nalalasing. Kaya nakakapagtaka. Sa totoo lang, hindi lang ito ang nakakapagtakang ikinilos ng asawa. Para ba itong inosente at hindi alam kung ano ang gagawin. Pansin niya din ang pautal-utal nito magsalita. Hindi ganoon ang Star na kilala niya. Ang Star na kilala niya noon ay confident magsalita at tila walang kinakatakutan. Habang tinititigan ito na nakahiga sa kaniyang malambot na kama. Napaka-inosente ng mukha nito. Para bang hindi makabasag pinggan ngunit kilala niya ang babaeng kaniyang pinakasalan. Wala naman ta