"Promise ate paglaki natin magpapatayo tayo ng malaking bahay para kina Inay at Itay." nakangusong sabi ko sa ate ko na nasa aking harapan. Naglalaro kami ngayon ng buhangin dito sa tapat lang ng aming bahay. Ilang beses na umubo si ate sa harap ko. Magkamukhang-magkamukha kaming dalawa . "Promise!" nag-pinky promise kaming dalawa. "Star!" narinig kong tawag ni Inay. "Tawag ako ni Inay ate." napatayo ako. Nakita kong papalapit sa kinaroroonan namin si Inay. Hindi ko kilala ang kasama niyang babae. "Star, tumayo ka riyan anak." Natigilan na lamang ako dahil tinawag ni Inay na Star si Ate. Ako si Star ngunit bakit niya tinawag na Star si ate. Baka naguluhan lang si Inay. Hindi niya nakilala kung sino sa amin si Star. Imposible naman yata iyon. Hinding-hindi nagkakamali sa amin si I