Star's POV
NAKATITIG ako sa pintuan, hinihintay ang pagbukas nito. Narinig ko kasi ang ingay sa labas at ang pagsigaw ng babae. Sino si Mr. Arcanghel?
"Ma'am, nandito na po tayo sa harap ng Arcanghel Residence." biglang bumalik sa isip ko ang sinabi ng taxi driver.
Hindi kaya ang Arcanghel na iyon ay ang asawa ni Starlet? Bigla na lang bumilis at kumabog ng todo ang aking dibdib. Bigla akong kinabahan.
Ano kaya ang hitsura niya?
Bakit ba 'yon ang inaalala ko?
Hindi ko naman mapigilan na paulit-ulit dukutin ang manipis na telang sumiksik na sa aking pwet.
Nakakairita ang panty na ito. Hindi ako mapakali, parang gusto ko na lang hubarin at huwag na lang magsuot ng panty.
Narinig ko sa labas ng pintuan ang nagagalit na boses ng lalaki.
Anong meron?
Kahit nahihirapan maglakad ay humakbang pa rin ako para lang makarating sa pintuan. Titingnan ko kung anong nangyayari sa labas.
Unti-unti kong binuksan ang pinto. Rinig na rinig ko ang baritonong boses ng isang lalaki na para bang nanenermon ito.
Tumambad sa akin ang tatlong babae na nakasalubong ko sa sala at si Manang na nakasalamin. Nakayuko ang mga ito.
Ibinaling ko ang aking paningin sa isang lalaking nanenermon sa kanila. Napaawang ang labi ko ng makita ang mukha nito.
Makapal ang kaniyang mga kilay. Ang perpekto ng hugis ng kaniyang mukha lalong-lalo na ang kaniyang panga.
Nakasuot ito ng white longsleeve habang nakatupi ito hanggang sa kaniyang siko. Napakaguwapo niya, napakakisig at napakatangkad. Kung tatabi siguro ako sa kaniya ay sigurado akong hanggang balikat lang niya ako.
Ngayon lamang ako nakakita ng lalaking ganito ka-perfect. Hindi ko napigilan at napatitig ako sa kaniya.
"Hindi na ho mauulit, Mr. Arcanghel. Hindi na ho kami matatakasan ni senyorita. Dodoblehin na ho namin ang pagbabantay sa kaniyang silid." paliwanag ni Manang na may salamin.
Kung ganoon? Siya ang asawa ni Starlet? Paano nangyari 'yon? Bakit niya pa nagawang tumakas kung ganito naman pala kaguwapo ang kaniyang asawa.
Bumaling ito sa kinaroroonan ko kaya nagtama ang aming mga paningin. Kakaiba ang mga titig niya kaya umiwas kaagad ako ng tingin. Sinarado ko kaagad ang pintuan at napaatras na lang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Mas lalo lang kumabog ang dibdib ko.
Napasinghap ako nang marinig ang pagkalabog ng pinto. "Open it, Star!" narinig ko na naman ang boses niya. Malumanay ngunit nakakatakot pa din.
Anong gagawin ko? Natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Paano kung malaman niyang hindi pala ako ang asawa niya?
"Open the door, Star! I'm telling you!"
Natakot ako kaya mas lalo lamang akong napaatras. Tumahimik sa labas. Hindi ko na narinig pa ang mga katok nito kaya nakahinga ako ng maluwag.
Nagulat na lamang ako ng biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang aking mga mata ng masilayan ko ang lalaking kanina lang ay nakikiusap na pagbuksan ko.
Mas dumoble pa ang kabog ng dibdib ko nang mapansin kong naglalakad na ito palapit sa akin. Titig na titig siya sa aking mukha.
Naamoy ko na ngayon ang napakabango nitong gamit na pabango. Habang papalapit siya sa akin ay napapaatras naman ako. Hanggang sa ma-corner niya ako dahil wala na akong maatrasan pa.
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Nakipagkita ka na naman sa lalaki mo?" mas lumapit pa nga ito sa akin. Ikinagulat ko pa ng mabilis niyang nasakal ang leeg ko. Halos hindi ako makahinga.
"Ackk!" pinilit kong alisin ang kamay niyang nakasakal sa leeg ko. "T-tama na..." mamamatay yata ako dito.
"You should face the consenquences for breaking my rules!" mabuti na lang ay pinakawalan niya rin ang leeg ko. Ngunit ubo naman ako ng ubo pagkatapos.
Hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya. Ano ba yung rules na nilabag ni Starlet?
Kasalanan ko rin 'to. Hindi muna ako nagtanong sa kanila bago ako sumabak dito.
Masakit na nga ang paa ko, masakit pa ang leeg ko.
Hindi ko maalis ang kamay ko sa leeg kong sinakal niya. Pakiramdam ko nandito pa rin ang kamay niya.
"Masakit ba? Hindi lang 'yan ang matatanggap mo sakin kapag patuloy mo akong susuwayin." naglakad ulit ito palapit sa akin. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang umatras para hindi siya makalapit sa akin. "You should get pregnant next month. That's the only reason I agreed to this f*****g arranged marriage. You know that, Star. Huwag kang magmaang-maangan." umigting ang kaniyang panga.
Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Ang pagkakaintindi ko? Na-mention niyang kailangan ko ng mabuntis.
"W-wala sa usapan namin 'yan. E-este sa usapan natin." muntikan na ako doon.
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"It seems like you've forgotten what we agreed on." mapakla siyang natawa. "Sa tingin mo ba pinakasalan kita dahil gusto kita?"
"Bakit hindi ba?" matapang kong sagot sa kaniya.
Natawa na naman ito. Mapang-asar lang yung tawa niya. Kahit sa pagtawa ang sarap pakinggan ng boses niya. Napakaguwapo niya pero taliwas naman sa ugali niya.
"Wala akong oras para makipagtalo sa iyo ng matagal malandi kong asawa." pagdidiinan niya.
Malandi?
Kaya naman pala siya iniwan ni Starlet dahil sa ugali niya. Hindi dahil sa pangit siya kundi sa masama niyang ugali.
Sabay kaming napatingin sa pintuan ng biglang may mga katok kaming narinig. Bumukas na rin ito pagkatapos ng iilang katok.
"Pasensya ho sa disturbo ngunit may naghahanap ho sa inyo sa telepono, senyorito." nakayukong sabi ni Manang na may salamin.
Muling bumaling sakin si Mr. Arcanghel. Hindi ko pa alam ang pangalan niya. Ngunit wala hindi ako interesadong alamin. Ang sama ng ugali niya. Dapat lang talaga siyang iiwan.
"Bantayan niyo ang babaeng 'yan. Huwag niyong palabasin hanggang sa magtino."
"Senyorito, gagamutin ko ho ang paa niya." paalam ni Manang.
Muling bumaling sakin ang hangal.
Ang sakit nga ng paa ko ngunit hindi ko na napansin dahil sa hangal na ito.
"What happened to her leg?" seryosong tanong niya. Para bang nag-aalala. Bigla na lang nagbago ang reaction niya.
Mas mabuti pa sigurong hindi na lamang iyon sinabi ni Manang. Ngayon tuloy hindi ko na naman alam ang gagawin dahil naglakad na naman ito palapit sa akin.
Napaatras na naman ako.
"Nadulas ho kasi siya kanina sa banyo, senyorito. Baka ho namaga na ang paa ni senyorita." sagot ni Manang.
Tuluyang nakalapit sa akin ang hangal.
"May I see your leg." anito.
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lamang niyang hapitin ang bewang ko. Tumatama tuloy sa mukha ko ang napakabango nitong hininga. Sinubukan niyang hawakan ang aking hita ngunit inilayo ko ito. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang itong makita ang gusto niyang makita.
Bigla na lamang niyang binitawan ang hita ko pagkatapos niyang makita ito. "Kulang pa 'yan." anito tsaka tuluyan ng naglakad palapit sa pinto. Akala ko mag-aalala siya ngunit hindi pala. Anong klaseng asawa ang lalaking 'to?
"Remember this, Manang. If that woman escapes again, you will all be held responsible." paalala nito tsaka tuluyan ng lumabas ng kwarto. Ang kaba ko ay unti-unting naglaho ng tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Kasama ko si Manang ngayon kaya pakiramdam ko may karamay ako.
"Senyorita, gagamutin ko lang ho ang paa niyo." aniya
"Hindi na ho kailangan. Maayos na rin naman ho ang pakiramdam ko."
Napatitig na naman siya sakin.
"Pero baka ngayon lang ho iyan, senyorita. Baka bukas ay doon mo pa lang maramdaman ang sakit nito."
Ginalaw-galaw ko ang paa ko. Pinapakiramdaman ko kung masakit pa ba ito. Kaunting sakit na lang ang nararamdaman ko kaya baka bukas ay wala na ito.
"Hindi na ho, Manang. Ayos lang ho ako."
Napatitig na naman siya sa akin. "Nakakapagtaka ho at tinawag niyo akong Manang, senyorita. Ngayon ko lang ho narinig na tinawag niyo ako sa ganoon."
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ano ba dapat kong itawag sa kaniya?
"N-noon ho 'yon, Manang." nakangiting sabi ko.
"Sige ho, maiiwan ko na ho kayo." tuluyan na itong nagpaalam.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mag-isa na ulit ako dito sa kwarto. Kapag kausap at kasama ko sila pakiramdam ko nangangapa ako sa dilim dahil hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanila at hindi ko rin sila kilala. Natatakot ako na baka isang pagkakamali na lang ay malaman na nilang hindi ako ang tunay nilang amo.
Paano na lang si Lola kapag nabuking ako? Titiisin ko na lamang siguro ang masamang ugali ng asawa ni Starlet matustusan ko lang ang gastusin ni Lola sa hospital.
-------
Kinaumagahan....
Hindi ko alam kung bakit ang sarap yata ng tulog ko sa unang gabi ko dito. Dahil siguro sa ganda ng higaan ko o sa lamig na dulot ng aircon na meron dito na wala sa bahay.
Nakalimutan ko na ngang kumain kagabi.
Sinubukan kong umalis sa kama ngunit natigilan ako ng maramdaman ang sakit ng paa ko. "Aw!"
Pakiramdam ko namaga ito. Wala na ito kahapon ngunit ngayon biglang sumakit at namaga pa nga.
Sana pala hinayaan ko na lang si Manang na gamutin ito.
"Aray ko." napangiwi ako sa sakit. Kahit masakit ay sinubukan ko pa rin na umalis sa kama para lumabas ng kwarto. Ipinapanalangin kong sana wala ang hangal na asawa ni Starlet.
Poging hangal.
Nagawa ko rin makarating sa pinto. Sinubukan kong pihitin ito ngunit ayaw mabuksan.
Ilang beses kong ginawa iyon ngunit ayaw talaga nitong mabuksan.
Kinalabog ko ang pinto. "Manang!"
Ilang ulit akong napasigaw ngunit tila walang nakakarinig sa akin. "Manang, hindi ko ho mabuksan ang pinto! Pakibuksan naman ho!" patuloy ang pagsigaw ko ngunit tila ba wala talagang nakakarinig sa akin. Unti-unti na lamang akong sumalampak sa sahig.
Third POV
Sunod-sunod na mga katok ang narinig ni Damon sa pintuan ng kaniyang office dito sa loob ng kaniyang mansion.
"Come in!"
Pumasok ang pinakamatagal niya ng maid dito sa bahay. Si Manang Vina.
"Pasensya na ho, senyorito kung nadisturbo ko ulit kayo."
"Anong kailangan mo?" tanong niya ngunit hindi man lang ito binalingan ng tingin.
"Senyorito, baka ho nagugutom na si senyorita. Hindi ko ho ba siya hahatiran ng pagkain?"
Sinamaan niya ito ng tingin. Sinabihan niya na ito na huwag hatiran ng pagkain hanggat hindi tumitino ang kaniyang asawa.
"Ilang ulit ko pa bang sasabihin sa iyo 'yan, Manang?"
"N-nag-aalala lang ho ako kay senyorita, sir kasi kagabi pa siya hindi kumakain. Narinig ko rin ho ang pakiusap niyang buksan ang pintuan ng kwarto."
Muli niya itong sinamaan ng tingin.
"Huwag na huwag niyo bubuksan ang pinto hangga't hindi ko inuutos. Unless, gusto mo matulad sa kaniya, Manang?" tsaka pa lang niya ito binalingan ng tingin.
"H-hindi ho, senyorito. S-sige ho, lalabas na ho ako." tuluyan na itong nagpaalam sa kaniya. Sinundan na lamang niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito sa kaniyang office.