Star's POV
Rinig na rinig ko ang pagtunog ng tiyan ko. Kumakalam na ang sikmura ko. Kaninang umaga pa ako hindi kumakain at hanggang ngayong alas dos na ng hapon ay hindi pa rin nila binubuksan ang pintuan.
Ano ba 'tong pinasok ko? Naiiyak na lang ako sa kalagayan ko ngayon.
Nawawalan na ako ng lakas. Dumagdag pa ang sakit ng namamaga kong paa.
"Buksan niyo naman yung pinto pakiusap." nanghihinang pakiusap ko. Nagbabakasakali maawa sa akin ang hangal na asawa ni Starlet. Wala yatang awa ang lalaking 'yon. Kanina pa ako nakikiusap ngunit wala man lang naglakas loob na magbukas ng pinto.
Gusto ko na lang umuwi sa Probinsya kaysa ganito naman ang kalagayan ko dito.
Gusto kong kausapin si Starlet para sabihin dito na ayaw ko na. Gusto ko ng mag-back out. Hindi ko kaya ang kasamaan ng ugali ng kaniyang asawa.
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Na-mimiss ko na ang bahay, si Inay, Itay at maging si Lola. Kung puwede nga lang lumipad upang makarating kaagad ng hospital para yakapin si Lola ay nagawa ko na.
Nabuhayan ako nang marinig kong bumukas ang pintuan nitong kwarto. Kahit nahihirapan ay tumayo pa rin ako para tingnan kung sino ang pumasok.
Nasilayan ko si Manang. Napatingin siya sakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang titig niya sa paa kong namamaga na.
"Namamaga ang paa mo." puno ng pag-aalala ang nakita ko sa kaniyang mga mata. "Sabi ko naman sa iyo gagamutin ko ngunit hindi ka pumayag kagabi." kaagad itong nakalapit sa akin. "Mukhang napilayan ka yata."
Napaupo ako. Napaluhod naman ito. Hinawakan niya ang paa ko at maingat na hinaplos ito. "Medyo masakit ito ngunit kailangan mo tiisin, senyorita." aniya.
Napangiwi na lamang ako ng maramdaman ko ang sobrang sakit. Hinaplos lang niya ito sa una hanggang sa dumiin ang palad niya. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng ginagawa niya.
"Huwag kang mag-alala. Magaling ako sa ganito. Gagaling na ito dahil nahilot ko na." aniya.
"Manang, meron ho ba kayong pagkain?" nanghihinang tanong ko sa kaniya. Halos hindi na nga marinig ang boses ko dahil sa gutom. Nawalan na ako ng lakas para magsalita.
"Meron, senyorita. Kailangan niyo na rin ho lumabas dahil darating ho ang mommy ninyo." aniya.
Mommy? Mommy ni Starlet?
"A-anong gagawin niya dito?" napatanong tuloy ako. Hindi kasama sa usapan ang mommy ni Starlet. Akala ko pa naman sa asawa lang niya ako magpapanggap ngunit hindi ko alam, maging sa pamilya rin pala niya, kailangan kong mag-drama. Hindi ko yata kayang magsinungaling lalo na sa pamilya niya.
Paano na? Anong gagawin ko ngayong hindi ko alam ang pangalan ng mommy niya? Hindi ko rin alam kung may mga kapatid ba si Starlet.
"Senyorita, hihintayin ko na lang ho kayo sa labas habang nagbibihis. Aalalayan ko kayo na bumaba." paalam ni Manang tsaka ito tumayo at tinahak ang pintuan. Tuluyan na nga itong lumabas.
Ako naman ay napatayo na rin para tahakin ang damitan ni Starlet.
Hindi ko pa nalibot itong silid dahil nakatulog na ako kagabi. Pumasok na lamang ako sa loob ng isa pang silid na tanging partition lang ang silbing harang para hindi makita ang ano man ang meron dito.
Napaawang ang aking labi ng masilayan ko ang iba't ibang klase ng mga damit, sandals at bags.
"Wow!"
Sinuyod ko ito ng tingin. Ngayon lamang ako nakakita ng mga ganitong dress, sobrang expose ang likod. Ang mga sandals naman ay may iba't-ibang design at kulay. Ganoon din ang mga bags. Para tuloy akong nasa mall sa mga oras na ito.
Ngunit wala na akong oras para mag-explore. Talagang nagugutom na ako. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Naghanap na lamang ako ng pamalit ko. Hindi ko gusto ang mga dress ni Starlet. Sigurado akong ma-e-expose ng sobra ang balat ko sa klase ng mga ito. Hindi ako sanay magsuot ng ganito. Isa lang ang nakaagaw sa akin ng pansin. Ang pajama at ang partner nito na para bang polo. Ito na lamang ang kinuha ko.
Magsisimula na sana akong maghubad ng makarinig ako ng mga hakbang papalapit sa akin.
"Matagal ka pa ba?"
Tila napako ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang boses ng lalaking nagpapakaba sa akin. Ayaw ko siyang lingunin. Natatakot akong magtama ang aming paningin. Baka mahalata niya ako na hindi ako ang asawa niya.
"M-malapit na!" pinilit kong pakalmahin ang aking boses.
Tandaan mo, Star. Ikaw si Starlet. Huminga akong malalim.
Kahit papaano ay may nakuha naman akong tip kung paano magsalita si Starlet. Sa mga sandaling nakausap ko ito. Alam kong hindi nangangatog ang tuhod ni Starlet kapag kinakausap siya ng kaniyang asawa.
Natigilan pa ako ng marinig ang mga hakbang papalapit sa akin. Napapikit ako ng mariin habang hinihintay ito na makalapit sa akin.
Habang papalapit ito ay bumibilis naman ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan na naman ako. Sinong hindi kabahan sa lalaking ito. Napakamisteryoso at pakiramdam mo tuwing lalapit siya sa 'yo para bang palaging may mali kang nagawa kaya nagagalit ito.
Napasinghap ulit ako ng maramdaman ko ang kamay nito ay nasa balikat ko. Ramdam kong inilalapit niya ang kaniyang mukha sa aking batok. Sunod-sunod akong napalunok. Lalong-lalo na ng maramdaman ko ang kaniyang hininga ay tumatama sa leeg ko.
"Your mom is here. Don't keep us waiting too long. Remember this, don't ever tell her what's going on here. You know what I mean." paalala nito sa akin. Napatango na lamang ako.
Baka kasi kapag nagsalita pa ako ay may gagawin na siya sa akin.
Mariin ko ulit naipikit ang aking mga mata ng maramdaman kong wala na sa balikat ko ang kamay niya.
Nakahinga ako ng maluwang ng marinig ang mga foot steps niya palayo sa akin. Muntik na akong atakehin. Napaupo ako nang tuluyan dahil sa kaba.
Sa wakas! Lumabas na rin ito. Narinig ko kasi ang pagsarado ng pinto.
Kapag nasa harapan o nasa tabi ko siya. Hindi maipaliwanag ang kaba at takot na nararamdaman ko. Sana nga, hindi na ulit siya magpakita sakin. Ngunit paano mangyayari 'yon kung iisa lamang ang bubong na ginagalawan namin. Mabuti nga kahit mag-asawa sila ni Starlet ay hindi sila iisa ng kwarto. Ano pa kaya kung iisa sila ng kwarto? Baka atakehin na ako ng tuluyan.
Akala ko ba, minsan lang siyang umuwi dito sa bahay? Nagsinungaling si Starlet. Hindi siya nagsabi ng totoo. Ano pa kaya ang mga susunod na malalaman ko.
Sa kabila ng pag-iisip ko. Mas minabuti ko na lang na magmadaling magbihis. Bahala na si batman dito sa suot ko. Hindi ko talaga trip ang mga damit ni Starlet. Masyadong maiksi hanggang pusod kaya nakakailang suotin lalong-lalo na kapag nakatingin sakin ang asawa niya.
Isa pa sa problema ko ang panty niya. Halos wala yata itong pagkakaiba sa una kong nasuot. Parang bago naman ang mga ito dahil may mga price tag pa.
Hindi ko tuloy maiwasan na habang naglalakad palabas ng kwarto ay panay ang dukot ko sa tela na sumisiksik sa pwet ko.
Paglabas ko ng kwarto ay nasilayan ko si Manang. Hinihintay pa din pala niya ako. Akala ko kasi bumaba na siya kasabay ng asawa ni Starlet. Pumunta lang sa kwarto para balaan ako na huwag sabihin sa mommy ni Starlet ang mga pinagagawa niya.
Paano nangyaring mag-asawa sila ngunit hindi nagtatabi? Isa pa, mag-asawa sila ngunit parang walang namamagitang pag-ibig sa kanilang dalawa.
Naalala ko pa ang sinabi niya kagabi.
Pinakasalan niya lang daw si Starlet dahil gusto niyang magkaanak hindi dahil gusto niya ito. Ano bang akala niya kay Starlet? Palahiang baboy?
"Senyorita, hindi na ba masakit ang paa mo?" nakalimutan kong kasama ko nga pala si Manang may salamin.
Magkasabay kaming naglalakad habang tinatahak ang pasilyo nitong mansion. Sa 'di kalayuan ay natanaw ko na rin ang hagdan.
"Okay na ho, Manang. Salamat nga pala sa ginawa mo."
"Walang ano man ho, senyorita. Naninibago lang ako dahil kinakausap mo na ako ngayon."
"Ahm!" tumikhim naman ako. "Wala naman dahilan para hindi kayo kausapin, Manang." palusot ko na lamang.
Hindi naman na ito umimik pa. Ngunit pansin kong panay ang sulyap niya sa akin. Napansin ko rin ang pagtingin niya sakin mula ulo hanggang paa.
"May problema ho ba, Manang?"
"Ah, w-wala, senyorita." kaagad na sagot nito. Tuluyan na kaming nakababa ng hagdan.
Naalala kong nandito nga pala ang mommy ni Starlet. Ano ba dapat kong sabihin?
Kamusta ka?
Hello, mommy!
Magandang araw, mom.
Alin ba sa tatlong 'yon ang dapat kong sabihin dito? Hindi ko na alam kung paano ko ito babatiin.
Inihatid ako ni Manang sa dining. Huminga akong malalim ng tuluyan akong makapasok at natanaw ko na rin ang aking asawa, este ang asawa ni Starlet. Kinahan naman ako ng makita ang isa pang babae na katapat nito. Medyo may edad na ngunit napaganda ng kutis ng kaniyang balat at napakaganda rin nito kahit medyo may edad na.
Hindi ko alam kung bakit ganiyan sila kung makatingin sa akin. Habang papalapit ako sa dining table ay hindi ko maiwasan na mailang dahil pareho silang nakatingin sa akin. Hindi lang tingin kundi titig.
"Oh, hello my dear daughter." bati ng Ginang sa akin. Nangangapa ako ng salita kung anong isasagot ko. Baka magtaka sila kapag nagkamali ako ng salitang bibitawan.
Pareho sila ni hangal na nakatitig sakin. Pansin ko ang pagtataka sa kanilang reaction.
"Ano bang nangyayari sa 'yo, hija? Tanghali na ngunit nakapantulog ka pa din." puna nito sa akin. Hindi ko napigilan na tingnan ang aking sarili. Ngayon, po-problemahin ko na naman kung paano ko lulusutan ito.
"Back then, you wouldn't have left the room dressed like that." dagdag pa niya.
Bakit ba lahat na lang ng kilos ko pinupuna? Nakakapagtaka na ba talaga kung ito ang suot ko?
"Ahm!" naibaling ko ang aking paningin kay Mr. Arcanghel nang bigla itong magsalita. "I think my wife stayed up late last night. Is that right, wife?" ito na yata ang pinaka-sweet words na narinig ko mula sa kaniya sa araw na ito. Ang galing niyang magpanggap.
Napangiti na lamang ako. "Ah, oo, napuyat ho kasi ako sa panunuod kagabi pasensya na, m-mom." iyon na lamang ang dinahilan ko. Hindi pa rin maalis ang titig sa akin ng mommy ni Starlet. Meron na naman bang mali sa sinabi ko?
"Come on, wife maupo ka na dito sa tabi ko." ani Mr. Arcanghel na ang tamis ng mga ngiti. Humila siya ng upuan para sa akin. Naglakad naman ako palapit sa kaniya at umupo sa tabi niya.
Natakam na lamang ako bigla sa pagkain. Kagabi pa ako hindi kumakain at gutom na gutom na ako. Ipagtataka ba nila kung hindi na ako magpapaalam sa kanila. Kukuha na ako ng aking pagkain.
Hindi ko na napigilan pa at sumandok na kaagad ako ng kanin at ulam.
Alam kong pareho silang nakatingin sa akin.
"Huwag mo sabihing nagdadalang tao ka na."
Bigla na lamang akong napaubo at nabulunan pa nga dahil sa sinabi ng mommy ni Starlet.
"Anong nakakagulat sa sinabi ko, Star?"
Muli na naman akong napaubo.
"May laman na ba?" dagdag pa na tanong ng Ginang.
Kaagad akong umiling. Binalingan ko si Mr. Arcanghel ganoon na lamang ang pagkunot ng kaniyang noo.
"Bakit wala pa? Dapat meron na. Kaya nga nagpakasal kayong dalawa para magkaroon na kaagad ng tagapagmana ang Arcanghel."
"We're still trying, Ma'ma." sambit naman ni hangal.
Ito pala ang dahilan kaya nagpakasal si Starlet at ang hangal na ito. Para magkaroon ng tagapagmana ang Arcanghel.
Halos hindi ako makapaniwala. Walang sinabi sa akin si Starlet. Bakit hindi niya sinabi sakin 'yon? Paano kung bigla na lamang akong sunggaban ng lalaking 'to? Dahil lang gusto na nitong magkaroon ng anak.
"Almost one year na, Damon. Dapat sa mga panahong ito ay buntis na ang anak ko. Bakit hindi mo subukan magpatingin sa OB, Star?" baling ng Ginang sa akin.
"P-pero--" kaagad na sambit ko ngunit kaagad rin naman pinutol ng lalaking katabi ko.
"Next month, I promise you'll have good news from us. Right, wife?" nangungusap ang mga mata nito. Para bang gustong sabihin na um-oo ako. Kaagad rin nitong hinapit ang aking bewang. Hindi na ako nakaangal pa dahil mabilisan ang galaw niya.
"Baka naman ayaw mo pa din magbuntis, Star?" sabat naman ng Ginang.
"Ho? Ah?" napakamot ako sa ulo ng wala sa oras. Usapang pagbubuntis. Hindi ako ang handa para doon kundi si Starlet. Ngunit bakit pakiramdam ko, obligasyon ko 'yon?
"Kailangan mo ng magpaalaga sa OB, hija. Para makabuo na kayong dalawa. Sayang naman ang ilang buwan namin paghihintay. Sana ngayon, may inaalagaan na kaming batang makulit." tila pabiro pa na sabi ng Ginang.
Jusko!
Kasalanan ko talaga 'to. Bakit kasi padalos-dalos akong pumayag sa kasunduang ito. Tapos ngayon, ako itong nahihirapan dahil hindi ko man lang inalam ang lahat ng impormasyon sa buhay ni Starlet.
Natapos ang lunch namin na iyon lang ang pinag-usapan namin.
Hindi rin nagtagal ay umuwi na din ang Ginang. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag ng makaalis ito. Halos buong pag-uusap na lang yata namin ay halos pagbubuntis ko ang naging topic.
Bakit kasi hindi pa nabuntis si Starlet?
Ngayon tuloy problema ko pa ito.
Wala ako sa sariling naglalakad sa pasilyo pabalik sa aking kwarto. Hindi rin naman ako makaalis dahil maraming bantay na bodyguards sa labas.
Balak ko na sanang putulin ang kasunduan namin ni Starlet ngunit paano? Paano ako makakaalis dito ng hindi nila nalalaman ang kasunduan namin ni Starlet.
"Star!"
"Ay kabayong bundat!" napasigaw ako sa gulat. Sapo ko ang aking dibdib. Napalingon ako kaya naman nasilayan ko ang gwapong mukha ng asawa ni Starlet. Naglakad ito palapit sa akin.
Ano na naman kaya ang kailangan niya? Bakit ganiyan na lang siya kung makatingin sa akin?
Nang makalapit ay hinawakan niya bigla ang aking braso. "Tapos na ba?" tanong niya.
Bigla akong naguluhan sa naging tanong niya. "Anong tapos na?" puno na pagtatakang tanong ko sa kaniya. Napatingin na rin ako sa kamay niyang nakahawak sa aking braso.
"Your period."
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.
"A-anong period?"
"Your monthly period. Don't be innocent."
Iyon pala ang ibig niyang sabihin. Sa totoo lang hindi pa ako dinadalaw. Delayed na naman yata ako ng dalawang araw. Bakit niya nga ba naitanong?
"B-bakit mo naitanong?"
"Ilang araw na akong naghihintay na matapos iyang lintik mo na period." madiing sabi niya. Para bang naiinis pa. Napaawang na lamang ang aking labi dahil sa sinabi niya.
"We talked about having s*x after your period because you're fertile. That's what the nurse said." dagdag pa niya.
"A-ano?"