CEO 7 CHECKING

2169 Words
Ilang beses akong nagpaikot-ikot dito sa loob ng kwarto. Hindi ako mapakali dahil sa sinabi ni Mr. Arcanghel. Nasapo ko na rin ang aking noo sa kaiisip kung ano ang gagawin. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa huling sinabi niya. Gusto niya na ng anak. "Gusto ko na ng anak, Star. Kaya dapat ikondisyon mo ang sarili mo. We've tried this several times but still nothing. Tapatin mo nga ako? Gumagamit ka ba ng pills?" muli niya na naman hinawakan ang aking braso. Bakit naman ako gagamit ng pills? Kung alam mo lang, hindi ako ang asawa mo. Ang sarap sabihin 'yon sa kaniyang pagmumukha ngunit hindi ko magawa. Kapag ginawa ko 'yon wala ng susuporta sa hospital ni Lola. Kaya hangga't kaya ko pang magtiis, magtitiis ako. "Bakit naman ako gagamit ng pills? Sabi mo nga, gusto mo ng magkaanak k-kaya bakit ako gagamit no'n?" pinilit kong hindi mautal ngunit hindi ko talaga nagawa. Kaagad niyang winakli ang braso ko. "Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka sa akin ng totoo. Dahil kapag nalaman kong nagsisinungaling ka, parurusahan kita." Hindi maalis sa isip ko ang huling sinabi niya. Paulit-ulit nag-f-flashback sa isip ko at hindi ako makapag-isip ng maayos. Baka kapag nalaman niyang hindi ako ang asawa niya ay sobra pa sa parusa ang gagawin niya. Kailangang bumalik na si Starlet dito dahil hindi naman kasama sa trabaho kong makikipag-s*x sa asawa niya. Pagpapanggap lang ang usapan namin. Pero bakit maging pakikipag-s*x ay aakuin ko na. Hindi lang pakikipag-s*x kindi ang pagkakaroon ng anak. Bakit ko nga ba kasi hindi naisip na pumayag kaagad? Hindi ko man lang naisip na asawa ni Starlet ang makakaharap ko. Anong gagawin ko? Pinangako ko sa sarili kong ang lalaking mahal ko lang ang pagbibigyan ko ng virginity ko, hindi lang ako nangako sa sarili ko kundi maging sa magulang ko ngunit mukhang hindi ko na yata matutupad 'yon. Lalo na ngayong wala na akong choice. Nandito na ako sa pamamahay na ito at wala ng paraan para makaalis. ---- KINAUMAGAHAN... NAGISING akong kaagad na tiningnan ang ilalim ng kumot. Tinitingnan ko lang kung meron pa ba akong mga saplot. Malay ko ba kung ginapang ako ng lalaking 'yon habang tulog. Nakahinga naman ako ng maluwag at napatampal sa aking noo ng makitang meron naman akong saplot. "Salamat naman." Bumangon kaagad ako at nagtungo sa banyo para maghilamos. Tinapos ko muna ang pag-aasikaso sa sarili ko bago ko naisipan na lumabas ng kwarto. Mabuti na lang at nabuksan ko ito. Hindi nila ako ni-lock dito sa loob. Akala ko, makukulong na naman ako buong maghapon habang gutom. Pagbaba ko ay nadatnan ko sila manang abala sa paglilinis sa malawak na sala. Isa-isa silang napatingin sa akin. Kaagad silang tumigil sa ginagawa para lang yumuko ng sabay-sabay sa harapan ko. "Good morning, senyorita." sabay-sabay pa nilang bati sa akin. Para bang takot na takot sa akin. Mali, hindi sa akin kundi kay Starlet. "Senyorita, ipagtitimpla ko na ho ba kayo ng inyong tea?" tanong sa akin ng babaeng maiksi ang buhok. "Ahm! A-ayaw ko ng tea. Gatas na lang. P-pero huwag ka ng mag-abala ako na ang gagawa." sabi ko sa kaniya. Kahit hindi ko pa naman alam ang pasikot-sikot sa kusina. Para bang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Nagkatinginan silang tatlo, si manang lang ang hindi tumingin sa akin. Patuloy pa rin ito sa ginagawa. "S-sigurado ho ba kayo, senyorita? H-hindi po ba tea ang iniinom niyo sa umaga? Ayaw niyo ng gatas dahil---" Hindi natuloy ang gustong sabihin nito dahil siniko na siya ng kasamahan niya. "Sigurado ako. Sige, maiwan ko na kayo." paalam ko sa kanila tsaka tinahak ang kusina. Kahit papaano ay alam ko na ito. Nagtimpla ako ng gatas ko. Kumuha na rin ng slice bread na nasa mesa. Natigilan ako ng maalala ko ang asawa ko este ang asawa ni Starlet. Nasaan kaya siya ngayon? Umalis kaya siya? Ano kaya ang trabaho niya? Sana huwag na muna siyang umuwi. Huwag na muna siyang magpakita sakin. Dahil tuwing nakikita ko siya lumalakas ang kabog ng dibdib ko at sobrang kaba pa tuwing lumalapit siya sa akin. Para bang kulog na tuwing kumukulog magtatago ka na lang sa ilalim ng kama. Sa kaniya naman ay tang boses niyang nakakakaba pakinggan. Para bang may kung anong gagawin tuwing ito ay nagsasalita. Ilang taon na nga ba siya? Sa tingin ko nasa 30's na siya. Ngunit hindi maipagkakailang napakaguwapo niya at ang hot pa. Ano bang mga pinagsasabi mo, Star? Huwag mong pagpantasyahan ang asawa ng iba. Saway ko na lamang sa sarili ko. "Senyorita..." Dahil sa pag-iisip ko ay nagulat na naman ako sa biglang pagsalita ni Manang. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang pangalan niya at ang iba pang kasambahay dito. "M-Manang, ikaw ho pala." "Itatanong ko sana kung ano ang gusto niyong kainin mamayang tanghali? Katulad po ng palagi niyong request na salad lang sa tanghali. Naisip ko lang na baka meron kayong idadagdag kainin." "Ako na ho magluluto, manang." sagot ko. Halos hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. "S-sigurado ka ba, senyorita? H-hindi ho ba ay hindi kayo marunong magluto? P-pasensya na sa nasabi ko." Grabe naman pala kung ganoon si Starlet simpleng pagluluto na lang hindi pa pala marunong. Iba talaga siguro kapag mayaman. "Ayos lang, manang. Marunong na ho akong magluto ngayon. Oo nga pala, puwede ko ho ba malaman kung nasaan si---si..." "Si senyorito ba? Nasa library. Hindi siya pumasok ngayon ng office." Saan kaya yung library? Mabuti na lang talaga at abala siya ngayon sa trabaho kahit pa hindi umalis. Ano kaya ang trabaho niya? Siguro business man, kaya siguradong busy siya sa mga oras na ito. Mabuti kung ganoon. "Ahm! Manang, hayaan niyo na lang ho ako dito. Ako na ang mag-aasikaso ng tanghalian. Kung may gagawin kayo gawin niyo na pero hayaan niyo ako dito sa kusina." sabi ko sa kaniya. Labag man sa loob nito ay umalis na rin ng kusina kaya naiwan akong mag-isa. Naghanap ako sa ref nang mailuluto ko. Ayun may nakita akong pusit at may isda na rin kaya ito na lamang ang inilabas ko. Nag-adobo ako ng pusit at nag-sarciado naman ako ng tilapya. Habang nagsigang naman ako ng baboy. Tinikman ko na ang mga ito isa-isa at ayos naman na ang lasa kaya naman inihain ko na. Inayos ko na rin ang mesa. Inihain ko na ang lahat ng ihain doon. Hihintayin ko na lamang ang asawa ni Starlet. Hindi ko napansin na nakatingin na pala sa akin si Manang at ang iba pa nitong kasamahan. Nakaawang ang kanilang labi habang pinagmamasdan akong inaayos ang mesa. "Ayos na po ba?" tanong ko sa kanila. Unti-unti silang napatango sa akin. Bakit ba parang hindi sila makapaniwalang nagawa ko 'to. "Manang, puwede niyo ho bang tawagin ang senyorito?" utos ko dito. "N-naku! senyorita baka magalit ito kapag nadisturbo." "Ganoon ba." "Ako na lang ang pupunta sa kaniya. Kung hindi siya bababa ay hahatid ko na lang sa kaniya ang pagkain niya." "Sigurado ho ba kayo, senyorita?Nakakapagtaka talaga mga kinikilos niyo nitong mga nakaraang araw. Dati kasi wala kayong pakialam kay senyorito. Isa pa, hindi rin ho kayo nagluluto. 'Wag niyo ho sanang masamain ngunit naninibago lamang kami sa inyong kinikilos." Napatango naman ang tatlong babae. Sinang-ayunan nila ang sinabi ni manang. "N-nung umalis ako." panimula ko. Naghahanap ng puwedeng gawing lusot sa kanila. "Nagpaturo akong magluto bago bumalik rito. Gusto ko kasi na maipagluto ko man lang s-si..." ano nga bang pangalan ng asawa ko? "Si Sir Damon, senyorita?" sambit ng isang babae. "Oo, 'yon nga," Damon pala pangalan ng Arcanghel na 'yon. Bagay na bagay sa ugali niya. Mabuti na lamang at nasambit nito ang pangalan ng asawa ni Starlet. Unti-unti ko ma silang nakikilala. "Naku! Senyorita, puntahan mo na ho si sir Damon. Sigurado kaming matutuwa 'yon." naka ngiting sabi nila sa akin na para bang kinikilig. "S-sige, pero puwede mo ba akong samahan?" niyaya ko na lamang ang babaeng maiksi ang buhok dahil hindi ko pa naman alam kung saan ang library. "Sige ho, senyorita." Nakahinga naman ako ng maluwag. Habang tinatahak namin ang library. Hindi naman maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko. Bakit ko nga ba ginawa 'to? Pinapahamak mo lang ang sarili mo, Star. Bakit ba kailangan mo pang hatiran ng pagkain ang damuhong 'yon? Hayaan mo siyang magutom. Tutal, hinayaan ka rin naman niyang magutom. "Hanggang dito na lang ho ako, senyorita. Baka ho kasi magalit si senyorito." Tumigil ito sa paglalakad ngunit napakamot naman sa ulo pagkatapos. "Oo, nga pala dala ko nga pala itong tray." sabi niya ng ma-realized niyang dala niya ang tray. "Ako na ang magdadala niyan." kinuha ko ito mula sa kaniya. "Sige na, ako na lamang ang papasok sa loob." "Sige po, senyorita." tuluyan na itong nagpaalam. Huminga naman akong malalim bago tuluyang kumatok sa pinto. Walang sumasagot. Siguro nga ay sobrang busy nito. Ilang ulit pa akong kumatok. "Manang, I'm busy right now! Whatever you have to say, just say it later!" narinig kong sigaw ng damuho sa labas. Busy nga. Huminga ulit akong malalim bago nagsalita. "A-ako 'to!" sagot ko. Ilang segundo na walang imik. "Puwede bang pumasok?" dagdag ko pa. Hindi pa man ito sumagot ay binuksan ko na ang pinto. Sumalubong sa akin ang kaniyang mga tingin na para bang kakainin ka ng buhay. Mabuti na nga lang at gwapo ang lalaking ito kaya medyo nababawasan ang takot ko. "What do you need?" seryosong tanong niya sakin. "Dinalhan nga pala kita ng lunch." mas lumapit pa ako sa kaniya. Ibinaba ko ang tray sa kaniyang table. Hindi naman ako nakaiwas sa kaniyang mga tingin. Nakakunot pa ang kaniyang noo. "Anong kalokohan na naman ba ito, Star?" "Wala naman. Hinatiran lang naman kita masama ba? Hindi ka dapat nagpapagutom. Kahit anong busy mo dapat kumakain ka pa din." Unti-unting sumama ang kaniyang mga tingin sa akin. "May gusto kang hingiin sa akin? Ano 'yon? Sabihin mo na?" nakataas ang mga kilay na sabi niya sa akin. Mabuti nga nag-aalala pa ako sa kaniya. Siya na nga itong hinatiran ng pagkain, siya pa itong nagagalit. "Wala akong gustong---" "Shut up! Akala mo hindi ko alam na may iba kang lalaki? Gusto mo bang umalis? Gusto mo na payagan kitang umalis para makipagkita sa lalaki mo?" Napatayo ako ng tuwid ng lumakas ang boses niya. Nagmamagandang loob na nga ako, napasama pa tuloy. "H-hindi. G-gusto ko lang matikman mo ang niluto ko." paliwanag ko. Naibaling niya ang kaniyang paningin sa pagkain na dala ko. Naningkit ang kaniyang mga mata. "Anong poison naman ang inilagay mo diyan?" "Walang poison 'yan." kaagad na sabi ko sa kaniya. "Akala mo ba maniniwala akong ikaw nagluto niyan?" sarkastika siyang natawa. "A spoiled brat like you knows how to cook? Paglalaba na nga lang ng panty hindi mo magawa." Ay! Grabe siya, marunong naman akong maglaba ng panty. Baka si Starlet 'yong sinasabi niya. Alalahanin mo, Star ikaw ngayon si Starlet sa kaniyang paningin. Speaking of panty. Sumisingit na naman sa kasulok-sulukan itong panty ko. Hindi ko tuloy maiwasan na dukutin ito. Napansin kong nakatingin pa din sa akin ang asawa ni Starlet. "Aalis na ako." paalam ko na lamang sa kaniya. "Take the food with you, I won't eat it." walang ganang sabi niya kaya napalingon ulit ako. Wala naman akong choice kundi ang balikan ang tray. Kung ayaw niya e di wag. Akmang kukunin ko na ang tray ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat na lamang ako sa ginawa niya. Tumayo ito at kaagad na tinawid ang pagitan namin. Napaawang ang aking labi nang makitang nakatitig siya sa labi ko. Nagulat na lamang ako ng gumapang ang kamay niya sa tiyan ko at kaagad na ipinasok ito sa loob ng shorts ko. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa ginawa niya. Naramdaman ko ang mainit nitong kamay na dumadampi na ngayon sa puson ko. "T-teka, a-anong ginagawa mo?" mas gumapang ang kaba ko ng maramdamang gumapang na rin ang kamay niya sa aking p********e. Naramdaman ko ang init ng palad niya. Napapikit ako. Ngayon ko lang naranasan ang mahawakan doon. "T-teka." naitulak ko siya. "B-bakit mo hinawakan ang---" "Just checking if you're still wearing a f*****g napkin." pinutol niya kaagad ang pagsasalita ko. Nag-init ang aking mga pisngi dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang naitulak ko siya dahil kung hindi baka hanggang ngayon ay nasa p********e ko pa din ang kamay niya. Kakaibang sensasyon ang dinulot nito kanina sakin at ayaw ko na sanang maranasan pa ulit 'yon. Hindi niya dapat hinahawakan ang private part ko. Hindi ko naman siya boyfriend. Ngunit paano ko nga ba sasabihin 'yon sa kaniya kung ang pagkakaalam niya ay ako ang asawa niya. "I know you're not wearing a f*****g napkin, Star. You'll be sleeping in my room tonight so prepare yourself sweety." mapanukso nitong sabi tsaka naglakad pabalik sa table niya. Gumapang ang kaba sa dibdib ko. Paano na? Kaya pala niya dinakot ang kiffy ko para alamin kung may suot akong napkin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD