Evelyn's POV "Anak!" ilang beses na mga katok ang narinig ko sa pintuan ng aking maliit lamang na kwarto. Si Inay, ang tumatawag sa akin sa labas. Wala akong gana lumabas ng kwarto o kaya labas ng bahay. Wala rin akong gana kumain. Hanggang ngayon wala pa rin ang asawa ko. Walang Daxon na lumitaw sa harapan ko. Walang Daxon na paggising ko sana sa umaga ay siya ang mabubungaran ko. Nasaan ka na ba? Bakit bigla mo na lang akong iniwan? Ano ba kasi nangyari sa 'yo? Bakit sa araw ng kasal ka pa nawala? "Anak, gumising ka na diyan. Kumain ka na. Hindi ka na kumakain. Namamayat ka na." "Wala po akong gana, Nay." "Kahit kaunti man lang anak kumain ka." Hindi na ako sumagot pa. Para bang nawala na ako sa aking sarili. Pinapabayaan ko na ang sarili ko. Kahit pa wala ako sa mood ay t