"Handa ka na ba?" Napalingon ako sa may pintuan nitong aking kwarto. Narinig ko ang boses ni Donny. Si Donny pala ay bihis lalaki lang pero babae ang puso. Tapos na akong magbihis ng maong na pants at simpleng tshirt lamang. Sinabi na kasi ni Donny sakin kung ano ang trabaho na papasukan ko. Isang janitress kaya hindi ko na kailangan pa magsuot ng pormal attire na para bang aattend ng graduation. "Sandali lang!" sagot ko kay Donny. Kinuha ko ang aking shoulder bag na may laman ng aking mga pangangailangan. Nagdala na ako ng napkin dahil baka bigla akong magkaroon, mahirap na. Hindi ko pa kabisado ang pagtatrabahuan ko. Hindi ko alam kung saan ako bibili. Maya maya lang din ay nagtungo na ako sa pintuan para pagbuksan si Donny. "Handa ka na ba?" bungad niya kaagad sa akin tsaka s