Evelyn's POV "Daxon, bakit ka ba nagkakaganiyan? Iniwan mo 'ko sa araw mismo ng kasal natin. Hindi ka man lang nagpaalam sakin, pagkatapos makikita kita dito. Alam mo bang hinanap kita? Nakita nga kita pero parang ibang Daxon naman 'yong nasa harapan ko ngayon." Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya pa nagagawa sakin 'to, ngayon pa lang. "Kasal?" Para bang takang-taka siya sa sinabi ko. Huwag niya sabihing nawalan siya ng alaala kaya hindi niya matandaang ikinasal kaming dalawa. "Oo, sa araw mismo ng kasal natin bigla kang nawala. Tapos ngayon, wala ka man lang reaction ng makita ako. Minahal mo ba talaga ako o ginamit mo lang ako?" pumiyok ng tuluyan ang boses ko. Tumulo ang luha ko. Pakiramdam ko kasi hindi niya na ako mahal. Wala na yung dati na kapag nakikita niya ako kusan