"Evelyn, nandito ka lang pala." naninigas ang panga ni Donny ng lumapit sa akin. Pinanlakihan niya ako ng kaniyang mga mata. Hinawakan niya kaagad ang kamay ko. "Anong ginawa mo? Bakit galit na galit si Mrs. Lara sa 'yo? Tumawag daw sa kaniya si Mr. Arcanghel-----" natigilan si Donny nang maibaling nito ang paningin sa babae na nasa aming harapan ngayon. Tumuwid ang kaniyang pagtayo. Gulat na gulat nang makita ang babae na nasa aming harapan ngayon. "K-kayo ho pala, Ma'am. Magandang araw po!" bati ni Donny dito. Pinisil niya ang kamay ko. "Bumati ka." pabulong na utos ni Donny sa akin. Ang hindi niya lang alam nagkausap na kami. "Pasensya na ho kayo, ma'am sa kaibigan ko." hingi ng pasensya ni Donny. "Ayos lang. I'm just asking her if totoo ang mga sinasabi niya." nakangiting sabi