"Evelyn, hindi ka ba nakatulog kagabi? Nangingitim ang paligid ng mga mata mo." Napayuko na lamang ako dahil napansin pala ito ni Mrs. Arcanghel. Wala naman kasi akong mailalagay na kung anong bagay para matakpan 'yon. Napansin ko 'yon kanina nang tingnan ko ang sarili sa salamin. Hindi kasi ako nakatulog kagabi kaya ngayon panay tuloy ang paghikab ko. Ngayon lamang ako dinadalaw ng antok. Nandito kami sa dining table. Kaharap ko ang pamilyang Arcanghel. Parehong tahimik si Daxon at ang asawa ni Mrs. Arcanghel. "Pasensya na ho, hindi kasi ako nakatulog kagabi." nakangiwi ko na lamang na sagot. Binalingan ko si Daxon na ngayon ay nakatingin na sa akin. Hindi na naman maipinta ang kaniyang mukha. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay. Habang nakatingin sa akin si Daxon, ang Dadd