Star's POV Binilisan ko na lamang ang pagbanlaw sa sarili ko at halos liparin ko na nga ang banyo para lang makalabas at makapagbihis kaagad. Ano na lang ang sasabihin ng girlfriend ni Daxon? Baka iisipin niyang may ginagawa kaming masama sa banyo. Kasalanan ko 'to. Nagmadali akong magbihis ng shorts at malaking tshirt. Hindi na nga ako nakapagsuklay ng buhok ko sa pagmamadali ko. Kailangan ko yatang mag-explain sa girlfriend ni Daxon. Nagmadali na rin akong lumabas ng kwarto para bumaba. Inabot yata ako ng ilang minuto bago ko narating ang sala. Sa laki ba naman ng bahay na ito ay parang kailangan ko pang sumakay ng jeep para lang makarating sa paroroonan. Meron namang elevator pero ayaw kong gumamit dahil baka maligaw lang ako. Pagdating ko doon sa sala ay nadatnan kong magkaus